Taong 1954 ng matatag ang samahang "GULONG NG PALAD". Ito ay binuo ng ilang Tayabasin na nag-aaral sa Maynila. Pinamunuan ito nina Judge Benedicto Mortos, Palma brothers na sina Conrado, Cesar at Rosauro; Atty. Rosalino Pandy ;Dr. Samson Lapuente, Fiscal Ricardo Ebron, Col Lis Araya Jr., Ex-Vice Mayor Antonio Talavera at marami pa.
Palibhasa'y marami sa amin ang anak-dakila; bagama't mayroon ding pangilan-ngilan na galing sa pamilyang may-kaya kung kaya't ang naisipan naming ipangalan sa grup ay " Gulong ng Palad" o "The Wheel of Fortune Club of Tayabas, Quezon" na habang patuloy ang pag-ikot ng gulong ng kapalaran ay paminsan-minsan ang bahagi ng bagwis mo ay pumuapaimbabaw, pumapagitna at kapag minamalas-malas ay pumapailalim. Kaya, magsikap ka, magpunyagi at magpakasakit upang ang bagwis mo sa gulong ng palad ay mamalaging namamayagpag sa kaibabawan.
Comments