SA LIBIS NG NAYON
Sa Libis ng NayonKahit na gabing madilim sa libis ng nayon,
Taginting nitong kudyapi ay siyang himatong;
Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon,
Bawat puso'y tumutugon sa nilalayon.
Puno ng kawayan ay naglangitngitan,
Lalu na kung hipan ng hanging amihan
Ang katahimikan nitong kaparangan,
Pinukaw ng tunay nitong kasayahan.
Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay,
Sa libis ng nayon doon manirahan;
Tagabukid man may gintong kalooban,
Kayamanan at dangal ng kabukiran.Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituin,
Ay nag-alay ng aliw;
Kung ang hanap mo ay paglalambing,
Awit ng parang ay dinggin.
Ang pag-ibig mandi'y ditto nagsusupling,
At kapag nasiphayo'y luksa ang libing;
Kaya?t ang payo ko, kung inyong susundin,
Bukid ay dapat na mahalin.
BALIK-BUKID
Brgy. Lawigui, Tayabas Quezon
Tara na, saka po tayo!
http://groups.yahoo.com/group/biyahero/

Comments